Lasog sa eksplosibo

Nalasog ang katawan ng  isang 30 anyos  na mangingisda na si Benhur Yasin habang grabe ang isa niyang anak na lala­king limang taong gulang nang aksidenteng sumabog ang gina­gawa niyang improvised explosive device sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Bubug, Barangay Kasanyangan, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Hininala ng pulisya na ibinebenta ni Yasin sa ibang mga mangingisda ang ginagawa niyang pampasabog. (Joy Cantos)

Show comments