^

Probinsiya

ID system tinesting sa Sulu

- Joy Cantos -

CAMP CRAME - Upang mapabilis ang pagdurog sa mga bandidong Abu Sayyaf Group, inimplementa ang identification system sa bayan ng Patikul sa lala­wigan ng Sulu na kabilang sa sentro ng opensiba ng militar.

Ito’y sa kabila ng isi­nasapinal pa ng pama­halaan ang pagbuhay muli sa national identification system sa buong bahagi ng bansa kaugnay ng de­ter­minadong hakbanging supilin ang terorismo at insureksyon.

Nilinaw naman ni AFP-Western Command (AFP-Westmincom ) Spokesman Major Eugenio Batara Jr., ipinatupad ng lokal na pa­mahalaan ang ID system sa nasabing bayan kung saan namumugad ang grupo ni Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron, alyas  Commander Putol na may patong sa ulo na P1-milyon.

Sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Patikul ay mismong mga residente ang gumawa ng kaukulang hakbang para maipatupad ang ID system.

Sa pamamagitan ng ID system, ayon pa kay Ba­tara, ay mapapabilis ang pagtukoy ng mga awtoridad sa lehitimong residente ng Patikul at sa mga dayuhan sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, deter­minado naman ang tropa ng militar na mapababa ang puwersa ng mga bandido ng 50% na siyang target ng “Oplan Ultimatum” sa 2008.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

COMMANDER PUTOL

OPLAN ULTIMATUM

PATIKUL

RADULAN SAHIRON

SHY

SPOKESMAN MAJOR EUGENIO BATARA JR.

WESTERN COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with