^

Probinsiya

Alalay ng vice mayor itinumba

-

CAMP CRAME – Pinag­babaril hanggang sa ma­patay ang bodyguard ng isang vice mayor sa pani­bagong paghahasik ng ka­rahasan ng mga rebeldeng New People’s Army sa Ba­rangay Balintawak, Esca­lante City, Negros  Occidental kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si July Alsado Sr., ex-Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) at naging alalay ni Vice Mayor Santiago “Mai-Mai” Barcelona ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulis-Escalante na isinumite sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa likurang bahagi ng public market sa bandang alas-5  ng umaga.

Sinabi sa ulat na bago nagsitakas ng ilang rebel­deng kasapi ng hit squad ng NPA ay nag-iwan pa ito ng kalatas na ipinatong sa iba­baw ng duguang bangkay ni Alsado na nagsasabing pinaslang nila ang biktima bilang paniningil  sa pag­kakautang nito sa bayan.

Ayon pa sa kalatas, ang biktima ay berdugo ng mga magsasaka ng tubo sa hilangang bahagi ng Negros at bukod dito’y maraming napatay na NPA noong dekada ’90 dahil sa pagiging aktibo nito sa counter insurgency campaign ng pama­halaan.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni P/Senior Supt. Ro­sendo Franco, provincial police director, ang mala­limang imbestigasyon sa pamamaslang laban sa bodyguard ng bise alkalde. (Joy Cantos)

ALSADO

ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

JOY CANTOS

JULY ALSADO SR.

NEW PEOPLE

SENIOR SUPT

SHY

VICE MAYOR SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with