Van vs trike: 4 patay

Apat-katao ang iniulat na nasawi makaraang sumalpok ang traysikel sa kasalubong na van sa McArthur Highway sa Barangay Bacag sa bayan ng Villasis, Pangasinan, kamakalawa.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Arnel Rafanan, Rey Mamasig, Virgilio Balecha at Ernesto Balecha Jr. habang inaresto naman ang driver ng van na si Jaime Fernandez.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nag-overtake ang traysikel ni Rafanan sa sinusundang truck subalit nakasalubong naman nito ang Mitsubishi L-300 van kaya naganap ang sakuna.  (Danilo Garcia)

Show comments