Cop killer arestado

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Mata­gumpay na naaresto kahapon ng mga aw­tori­dad ang dalawa sa apat na suspek na respon­sa­ble sa pag­patay sa isang  pulis-Bacoor noong Mi­yer­kules sa isinagawang follow-up operation sa bayan ng Imus, Ca­ vite.

Kinilala ni P/Supt Ulysses Cruz, Imus police chief, ang mga sus­pek  na  sina  Virgilio “VJ” Sapida, Jr. ng Ba­rangay Sabang, Das­mariñas, Cavite at Wilson Ba­catan.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas la­ban kay Sapida sa na­unang kaso nito, na­aresto ng mga awto­ridad ang suspek sa Barangay Malagasang 2-D, Imus, Cavite ban­dang alas-2 ng  hapon habang nag­susugal ito.

“Habang nasa ak­tong inaaresto si Sa­pida, lu­maban pa ito sa mga pu­lis hanggang sa mabaril ito sa paa,” pahayag ni Cruz sa PSN.

Kasama ring na­aresto si Bacatan ma­ka­raang kilalanin ng asawa ng biktima na respon­sable sa krimen.

Narekober mula kay Sapida ang isang calibre 45, mga bala at  magazine ng baril.

Matatandaang pina­sok at pinagbabaril ng apat na armadong ka­la­lakihan ang bahay ni PO2 Rommel Garcia sa Block 2 Lot 13 Good Family Homes, Anabu-1A, Imus, Cavite noong Enero 9 ng gabi.

Sinisilip ng mga im­bestigador na may ka­ugnayan sa trabaho ang naging motibo ng mga suspek sa pag­paslang kay PO2 Gar­cia.

Nakatakdang sam­pa­han ng kasong murder at illegal possession of firearms ang dala­wang suspek, sa­manta­lang patuloy pa rin ang paghahanap sa dalawa pang ka­sabwat na naka­takas matapos ang kri­men.  (Dagdag ulat ni Tina Timbang)

Show comments