^

Probinsiya

Mayor, treasurer sinuspinde

-

BULACAN – Naging ma­lungkot ang pagpasok ng 2008 sa mayor at tre­surero ng bayan ng Bustos at hindi  napigilan ang 90-araw na suspensyong ipi­nataw ng Sandiganbayan noong Lunes.

Sa 7-pahinang desis­yong ipinalabas ni Sandi­ganbayan Associate Justice Roland Jurado na ki­natigan naman nina Associate Justices Ma. Cris­tina Cortez-Estrada at Teresita  Diaz-Baldos ng Fifth Di­vision, sina Mayor Carlito Reyes at Municipal Treasurer Leonardo Del Rosario ay sinuspinde dahil sa pagbili ng mga gamot na ‘di-dumaan sa bidding noong 2006.

Pumalit bilang alkalde si Vice Mayor Teoderico Ger­vacio ayon sa kautusan ng Department of Interior and Local Government.

Pinabulaanan naman ni Re­yes ang akusasyon at wal­ang dahilan upang sus­pendihin pa siya dahil sa nabusisi na ng Om­buds­man ang nasa­bing kaso bago ang desis­yun ng Sandiganbayan.

Sa panig ni Del Rosario, sinabi nito na nauna na siyang sinuspinde ng 90-araw ng Ombudsman kaya hindi na dapat pang sus­pendihin dahil lalabas na 180-araw ang kanyang suspensyon.

Hindi naman kumbin­sido ang Fifth Division ng Sandi­ganbayan kaya’t ibinasura ang magkahi­walay na mosyon ng da­lawa dahil sa kakulangan ng merito kaya ipinatupad ang suspension.

Matatandaan na noong unang Linggo ng Nob­yembre ay pinawalang sala ng Sandi­ganbayan si Re­yes sa kasong graft na unang isi­nampa laban sa kanya ma­tapos manalo bilang alkalde ng Bustos noong 2001. Dino Balabo at Romeo “Boy” Cruz

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE ROLAND JURADO

ASSOCIATE JUSTICES MA

DINO BALABO

FIFTH DI

SANDI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with