Christmas rape slayer nasakote
ORMOC CITY, Leyte – Nagwakas ang pagtatago ng suspek na isinasangkot sa panghahalay at pagpatay sa isang batang babae noong Kapaskuhan ng 2006 makaraang masakote ng pulisya ang una sa Barangay Milagro, Ormoc City, Leyte noong Martes ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Insp. Raymundo Graveles, hepe ng PCP1 ang suspek na si Gary Adriano y Fuentes, 26, ng nabanggit na barangay.
Si Adriano na nasakote matapos mamataan ni Dario Jurial na bumalik sa nasabing barangay ay itinuturong pangunahing suspek sa brutal na pagpatay kay Kyrel Cañete y Jurial, 9, noong madaling-araw ng
Sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Executive Judge Apolinario Buaya ng Ormoc Regional Trial Court Branch 35, hindi naman nanlaban ang suspek matapos arestuhin ng mga tauhan ng PCP1 sa pangunguna nina P/Senior Insp. Raymundo Graveles, SPO4 Angelito Wenceslao, SPO2 Romeo Marquez, SPO1 Roberto Delgado, PO2 Darius Corbo, PO1s Junar Caldoza, Edwin Jao, Roger Barondsa, Arile Villamor at Diosdado Albarillo.
Sa panayam ng PSN, pinabulaanan naman ng suspek ang akusasyon laban sa kanya, subalit sa record ng korte, lumilitaw na nasaksihan ng dalawang testigong sina Milven Sacare, 17 at Randy Sarino, 16, ang ginawang krimen ni Adriano.
Sa salaysay ng dalawang testigo, namataan nila ang suspek na walang saplot at nakaibabaw sa biktima sa loob ng kubo ni Panyong Cuesta.
Nang mapansin ng suspek na nakita siya ng testigo ay kaagad na lumabas ng kubo at pinagbantaang papatayin kapag ipinaabot ang insidente sa kinauukulan.
- Latest
- Trending