Binatilyo dedo, 32 sugatan sa sakuna
LA TRINIDAD, Benguet - Isang binatilyo ang iniulat na nasawi habang 32 iba pa ang sugatan makaraang bumaliktad ang jeepney na sinasakyan ng mga biktima sa Sitio Lat-ye, Barangay Samoki sa bayan ng Bontoc, Mt. Province noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Efraim Dulay Toyocan ng Barangay Calut-tit, Bontoc. Naospital naman ang 32 pasahero na karamihan ay naninirahan sa Barangay Kadaklan sa bayan ng Barlig,
Sa ulat ng pulis-Bontoc, nagpagulung-gulong at bumaliktad ang sasakyang Ford Fierra na walang plaka matapos na mawalan ng preno habang bumabagtas sa pakurbadang highway.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. Base sa tala ng pulisya, noong Disyembre 2007, dalawang sakuna na ang naganap sa
- Latest
- Trending