2 tulak ng droga tiklo

CAVITE – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang sibilyan na pinaniniwalaang nagtutulak ng bawal na droga makaraang makumpiskahan ng 24 pirasong plastic sachet ng shabu sa isinagawang operasyon sa Centennial Road, Barangay Tabon 1, Kawit, Cavite, ayon sa ulat ng pulisya.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ernesto Gonzales y Garde, 31, ng #163 Çarsadang Bago, Imus, Cavite at Arnel Dimano y Jarque, 26, traysikel drayber at residente ng Westwood Subd., Brgy. Alapan 1-B., Imus, Cavite.

Napag-alamang sakay ng traysikel (WU 5486) ang dalawa nang parahin sa checkpoint ng mga tauhan ng police chief ng Kawit na si P/Chief Insp. Hersan Mojica. Dahil sa may itinatagong droga, imbes na tumigil ay pinaharurot ng mga suspek ang traysikel subalit nakorner din matapos na habulin ni SPO2 Bayani Basto.

Show comments