^

Probinsiya

3 tulak ng droga dinakma

-

ILOILO CITY – Bumag­sak sa kamay ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Special Operations Group ang tatlong sibilyan kabilang na ang isang menor-de-edad lalaki na pina­ni­niwalaang nasa anti-drug watchlist maka­raang makum­piskahan ng iba’t ibang uri ng bawal na droga at baril sa isi­nagawang drug bust operation sa kahabaan ang Be­nigno Aquino Avenue sa Barangay Taft North, Man­durriao District, Iloilo City, Iloilo noong Biyer­nes ng gabi.

Kasalukuyang nakaku­long at walang piyansang ini­rekomenda ang piskalya laban sa mga suspek na sina Jun Diestro ng Brgy. Taft North;  Ferdinand Var­gas, 32, trader at dating disc jockey; at isang 17-anyos na lalaki na nama­masukan bilang waiter sa restaurant at kasalukuyang nasa custody ng Balay Dala­yunan.

Base sa ulat ni SPO2 Marcos Tio ng Mandurriao police, si Diestro ay  mi­yem­bro ng  Prevendido group at nasa anti-drug watchlist bilang ika-5 big-time drug pusher.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic bag ng shabu na ipagbibili sana sa isang operatiba na nag­panggap na poseur buyer sa halagang P25, 000.

Nasamsam din sa mga suspek ang tatlong medium at small plastic sachets ng shabu, pinatuyong dahon ng marijuana, isang cal. 40 grenade launcher, isang cal. 22 revolver, digital weighing scale at ang kotseng Mitsu­bishi car na gamit ng mga sus­pek sa pagtutulak ng droga. Ronilo Pamonag

AQUINO AVENUE

BALAY DALA

BARANGAY TAFT NORTH

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FERDINAND VAR

ILOILO CITY

JUN DIESTRO

MARCOS TIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with