Pekeng pulis napatay

ANGONO, Rizal – Na­patay ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) na nagpakilalang opisyal ng pulis makaraang mabaril dahil sa nang-agaw ito ng baril ng maaresto ng pulisya dahil sa pango­ngotong sa kahabaan ng Manila East Road sa Ba­rangay San Isidro, Angono, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Norvin Ig­nacio Alarcon ng Brgy. Pantok sa bayan ng Bina­ngonan, Rizal.

Si Alarcon ay nasapol ng bala sa ulo matapos tang­kaing agawin ang baril ni P/Senior Insp. Arthur Ma­sung­song, hepe ng An­go­no police.

Ayon sa ulat, nango­ngo­ tong sa mga drayber ng pam­pasaherong jeepney si Alar­con na naka-uniporme ng pulis hanggang sa ma­kara­ting sa kaalaman ng pulisya.

Kaagad namang ru­mesponde ang mga pulis-Angono sa pangunguna ni Masungsong.

Dito na kinompronta ng pulisya si Alarcon saka inaresto at dinisarmahan subalit tinangkang agawin ang baril ni Masungsong habang isinasakay sa mobile car.

Narekober kay Alarcon, ang pekeng ID ng PNP, baril at hindi nabatid na halaga na pinaniniwalaang mula sa mga drayber ng jeepney. Edwin Balasa

Show comments