Holdaper ng mga estudyante nalambat
Antipolo City – Nalaglag sa kamay ng batas ang isang lalaki na umanoy responsable sa sunud-sunod na holdapan na ang binibiktima ay mga high school student sa Barangay Bagong Nayon ng lungsod na ito kahapon ng umaga.
Kinilala ang suspek na si Robert Rebamba, 32, na naaresto matapos na holdapin ang kanyang pinakahuling biktima na si Joan Kristine Batacan 15, 3rd year high school student.
Dakong alas-9:30 ng umaga nang maholdap ang biktima sa kahabaan ng Road 21, Phase III, Cogeo Village, Brgy. Bagong Nayon.
Hindi na nagawang manlaban ng suspek nang madakip kinalaunan ng pulisya at narekober sa pag-iingat nito ang cellphone at pitaka ng biktima. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending