Airforce sergeant dedo sa ambush

Lipa City, Batangas – Todas ang isang sarhento ng Philippine Air Force matapos tambangan ng hindi pa  nakikilalang mga suspek sa panibagong karahasan na naganap sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Superintendent George Dadulo, hepe ng Lipa Police, ang bik­timang si Sergeant Bryan Templo, 30, nakatalaga sa Fernando Airbase sa na­sabing lungsod at re­sidente ng Sampaguita Homes, Lipa City.

Ayon sa report, pa­pauwi na si  Templo sakay ng kanyang motorsiklo ma­tapos mag-practice shooting sa Fernando Airbase nang tambangan at pag­babarilin ng dalawang armadong lalaki sa main road ng Villa Africa Subdivision, Barangay Bolbok bandang alas-6:15 ng  gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan mula sa kalibre .45 baril ang biktima. Mabilis na­mang nakatakas ang mga suspek sa ‘di-pa ma­la­mang direk­syon sakay ng isang mo­torsiklong walang pla­ka.

Gayunman, iniulat ki­nalaunan ni Dadulo na nadakip na sa Lemery, Batangas ang mga suspek na sina Romnick Reyes, 19, at Christian Flores, 23. (Arnel Ozaeta)

Show comments