^

Probinsiya

Pubhouse grinanada; GRO todas, 7 sugatan

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY (Jan 4) – Patay ang isang guest relations officer ha­bang pitong  iba ang su­ga­tan nang masabugan ng granada sa loob ng isang pubhouse sa Cotabato City kamakalawa ng  gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Willy Dangane, hepe ng Cota­bato City Police, ang na­sawi na si Joan Dampas, 32, at nagtrabaho bilang GRO ng Fama Videoke House.

Sugatan rin ang anim na iba pang mga GRO na sina Rowena Tangkaan, Hazel Taiden, Paula Oliveros, Gina Tampudi, Juvy Retos, at Johanna Feura. Isa sa mga kustomer ng club na si Roberto Cabigas, em­pleyado ng Cotabato Light and Power Company, ay kabilang din sa mga su­gatan.

Dalawa ang anggulong pinag-aaralan ng mga aw­toridad kaugnay ng pag­sabog.  Posibleng extortion o personal na galit ang da­hilan nito, ayon kay Da­ngane.

Batay sa testimonya ng gwardiya ng Fama pub house, tatlo sa mga regular na kostumer nila ang pumasok sa kanilang esta­blisimyento  at  hinanap ang isang GRO. Pero ‘di nagta­gal ang tatlo sa loob at nagmamadaling lu­mabas ng pub.  Ilang mi­nuto lang, narinig na nila ang isang malakas na pagsabog, ayon sa gwar­diya.

CITY POLICE

COTABATO CITY

COTABATO LIGHT AND POWER COMPANY

FAMA VIDEOKE HOUSE

GINA TAMPUDI

HAZEL TAIDEN

JOAN DAMPAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with