^

Probinsiya

18 Pinoy seamen na na-trap sa hotel sa Nigeria uuwi na

-

Uuwi na sa bansa ngayong Sabado at Linggo ang 18 Pinoy seamen na na-trap sa Nigeria matapos na sumiklab ang kaguluhan sa Port  Harcourt ng nasabing bansa kamakailan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Claro Cristobal, ang unang batch o ang anim na Pinoy seamen ay darating ngayong araw lulan ng Emirates Airlines flight number EK 334 na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ganap na alas-10:30 ng gabi.

Ang 12 pang tripulante o ikalawang batch ay darating sa Linggo ng umaga.

Kinilala ni Cristobal ang mga na-trap na Pinoy na sina Tomas Obial, Cesar Guadalupe, Nestor Barba, Pancho Lagutan, Edgar Ballesteros, Melchor Malana, Elmer Temblor, Simeon Avilla, William Prosia, James Panaguiton, Jozane Ponce, Ronald Padasas, Richard Peniano, Manual Tabang, Alfonso Zarate, Frankie Via­crucis, Nino Luengas at Alvin Jovellano.

Hindi nila kasama ang labi ng kasamahan nilang si Vito Cruz, isang electrician, na nasawi sa Port Harcourt matapos salakayin ng mga armadong militants sa Nigeria ang pinagsisilbihan nilang tanker noong Disyembre 19.

Nabatid na mahigit dalawang linggo ring na-trap sa hotel ang nasabing mga Pinoy kung saan doon na ang mga ito nagpalipas ng Kapaskuhan.

Muling tiniyak ni Cristobal na tatanggap ng P200,000 accident insurance at P20,000 burial as­sistance mula sa Overseas Workers and Wel­fare Administration (OWWA) ang pamilya ni Cruz.

Ang labi ni Cruz ay sa susunod pang linggo maiu­uwi sa bansa.   (Joy Cantos)

ALFONSO ZARATE

ALVIN JOVELLANO

CESAR GUADALUPE

CLARO CRISTOBAL

CRISTOBAL

CRUZ

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with