Nagpamasahe, tinarakan

LEGAZPI CITY — Isang Disc Jockey ng  isang FM station sa lungsod na ito ang nasa malubhang ka­lagayan sa Aquinas Hospital matapos saksakin ng suspek na nagmamasahe   sa  kanya sa loob ng kan­yang bahay kamakalawa ng gabi sa Teachers Village, Phase 1, Barangay 16, sa lungsod na ito.

Nakilala ang biktima na si Richard Bartolata, 41,  aka DJ Brown, binata, DJ sa DWRZ FM.

Mabilis namang naka­takas ang suspek na si Dexter Cradel 21, binata at residente ng Barangay Arimbay ng lungsod na ito.  

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi  nang ang suspek ay nag­tungo sa bahay ng biktima upang masahihin  ito.

Minamasahe ng suspek ang biktima nang bigla niyang tarakan ito ng ku­tsilyo sa katawan.

Napag-alaman na bago pa man dumating ang ka­patid ng biktima ay mabilis na tumakas ang suspek. (Ed Casulla)

Show comments