^

Probinsiya

Mga residente lumikas dahil sa chlorine

-

ILOILO CITY    Uma­abot sa 100-katao ang ini­ulat na nagsilikas patungo sa munisipyo ng Maasin makaraang kumalat ang balitang may tumagas na chlorine mula sa malaking tangke ng Metro Iloilo Water District na posibleng lumikha ng matinding pag­sabog sa Barangay Bun­talan ng nabanggit na ba­yan noong Martes ng gabi. 

Ipinaliwanag naman ni Engineer Warren Palermo, area manager ng nasabing planta, nag-ugat  mismo ang problema mula sa supplier ng kemikal kung saan tu­magas ang isang tone­lada ng liquefied form ng chlorine na ginagamit sa pagdi-disinfect ng tubig na sinu­suply sa malaking ba­hagi ng Iloilo.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng opisyal na wa­lang dapat ikaalarma ang publiko dahil napigilan na nila ang pagtagas ng ke­mikal.

Siniguro naman ng supplier ng kemikal mula sa Cebu na  kanilang aayusin ang nasirang  tangke na siyang pinagmulan ng pro­blema. Ronilo Pamonag

BARANGAY BUN

CEBU

CITY

METRO ILOILO WATER DISTRICT

PLACE

RONILO PAMONAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with