^

Probinsiya

Bata dedo sa baril ng parak

-

Maagang kinarit ni kamatayan ang isang 3-anyos na lalaki makaraang tamaan ng bala mula sa nililinis na baril ng isang pulis habang sugatan  naman ang isang buntis na misis sa Sitio Quadrangle, Barangay Lorega-San Miguel sa Cebu City noong Biyernes.

Naisugod pa sa Cebu City Medical Center  suba­lit napatay dahil sa tama ng bala sa dibdib ang bikti­mang si Shane Kent Bel Lonzaga na natutulog sa inuupahang bahay ng kanyang inang si Vilma Entera.

Batay sa report ng Cebu City PNP na isinumite sa Camp Crame, ang nasa­bing bala ng .357 revolver  ay tumama rin sa kaliwang binti ng isang pitong bu­wang buntis na si Brenda Siarez, 34, ka-live- in partner ng suspek na si PO3 Benjamin Herbias Jr.

Naisugod naman sa Chong Hua Hospital si Siarez at kasalukuyang nasa ligtas na kalagayan.

Boluntaryo namang sumuko si Herbias, miyem­bro ng ‘Alert Team’ ng Cebu City Police Office Security and Service Group (SSG) sa kaniyang superior na si  P/Senior Inspector Sarah Jean Recla.

Nabatid na ito ang ika­lawang pagkakataon sa loob ng nakalipas na anim na araw na nakasugat ang miyembro ng Cebu City Police SSG  ng inosen­teng  sibilyan sa accidental shooting.

Sa record ng pulisya, noong nakalipas na linggo ay pinaputok ni SPO1 Marcelo Querubin ng na­sabi ring unit ang kanyang M 16 rifle na ikinasugat ng barbecue vendor na si Rodrigo Borbon sa Ba­rangay Guba. Joy Cantos

vuukle comment

ALERT TEAM

BARANGAY LOREGA-SAN MIGUEL

BENJAMIN HERBIAS JR.

CEBU CITY

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with