CAVITE – Dead-on-the- spot ang isang binata matapos itong pagbabarilin sa ulo ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz hepe rito, ang biktimang si Reynan Margallo 22, binata, walang trabaho at residente ng P-11 Bahayang Pag-asa Subd. ng bayang nabanggit. Kasalukuyan namang pinaghahanap ng kapulisan ang mga suspek na nakatakas matapos maisagawa ang krimen.
Batay sa imbestigasyon ni P01 Randy Dela Rea may hawak ng kaso, dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente habang ang biktima ay nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan na pawang mga miyembro umano ng True Brown Style Gang nang bigla na lamang bumulaga sa kanilang likuran ang mga suspek.
Nabatid na armado ang dalawa rito na kung saan ay tanging si Margallo lamang ang magkasabay na pinaputukan sa ulo dahilan upang agaran itong mamamatay habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek. (Cristina Timbang)