^

Probinsiya

Sulu encounter: 7 todas, 5 sugatan

- Joy Cantos -

Isang kawal ng Philip­pine Marines at anim na re­beldeng tumiwalag sa Moro National Liberation Front (MNLF) ang iniulat na na­paslang habang lima pa ang nasugatan sa pani­bagong sagupaan sa pa­gitan ng tropa ng militar at ng mga rebeldeng grupo sa ba­hagi ng Sulu kahapon ng umaga.

Sa phone interview, sinabi ni Marine Com­mandant Major Gen. Ben Mohammad  Dolorfino, da­kong alas-5 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Marine Battalion Land­ing Team (MBLT) 11 sa ila­lim ng 2nd Marine Brigade na pinamumunuan ni Col. Cesario Atienza, ang gru­pong tumiwalag sa MNLF na pinamumunuan naman ni  Commander Ustadz Habier Malik sa liblib na bahagi ng Barangay Pan­dan-Pandan, Kalingalang Caluang.

Gayon pa man, pansa­mantalang hindi isiniwalat ni Dolorfino ang pagkikilan­lan ng napaslang na sun­dalo ng Philippine Marines habang ang isa pang na­sugatang sundalo.

Base sa intelligence report, sinabi pa ni Dolor­fino na sinalakay ng tropa ng military ang teritoryo ni Kumander Malik kaya anim ang napatay na rebelde na binitbit ang mga bangkay sa pagtakas ng kanilang mga kasamahan habang anim pa ang sugatan sa mga ka­ laban, dalawa rito ay dinala sa bayan ng Pa­na­mao at apat naman sa Jolo.

Narekober ng militar sa  pinangyarihan ng sagu­paan ang tatlong M14 rifles, tatlong M16 rifles, isang M1 garand rifle, 15 maha­habang magazine na may mga bala at 11 maha­habang magazine.

Sa panig naman ni AFP-Western Command (AFP Westmincom) Com­mander Major Gen. Nelson Allaga, sinabi nito na posibilidad na may kasamang mga ban­didong Abu Sayyaf ang nakasagupa ng tropa. 

Nagawa namang maka­takas ng mga rebeldeng Muslim matapos na gami­ting kalasag ang mga sibil­yang residente sa lugar.

Magugunita na noong Abril ay pinigil ng grupo ni Commander Malik si Do­lorf­­ino at iba pa nitong mga kasamahang opisyal ng militar at ng govern­ment’s peace nego­tiating team.

ABU SAYYAF

BARANGAY PAN

BEN MOHAMMAD

CESARIO ATIENZA

MAJOR GEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with