KIDAPAWAN CITY – Dalawang bangkay ng lalaking hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga residente ng Barangay Bito sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Shariff Kabungsuwan kahapong alas-tres ng madaling-araw.
Tadtad ng mga bala at mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng kani-kanilang katawan ang naturang mga bangkay na ‘di kinilala ni Chief Insp. Fatima Malao, ang hepe ng Datu Odin Sinsuat PNP. Nakatali pa sa kani-kanilang mga leeg ang kadena, ayon kay Malao. (Malu Cadelina Manar)