Montalban, Rizal – Makahulugan at makataong mga programa ang tema ng selebrasyon sa paggunita ng maunlad na bayang ito sa ika-98 Foundation Day nito na magtatapos bukas, Disyembre 23.
Sinabi ni Mayor Pedro Cuerpo na tema ng Foundation Day ngayong taong ito ang dedikasyon sa sariling bayan – “Tatak Montalban, Iba Ito. Ipagmalaki Mo.”
Ipinaliwanag niya na ang tema ay isang behikulo ng pagpapaalala sa bawat Montalbeno na ang kanilang bayan ay nakaungos sa lahat ng pagsubok at malugod na patungo sa mas mataas na antas ng progreso.