Isa patay  sa clan war

KIDAPAWAN CITY — Mahigit 200 pamilya mula sa mga barangay ng Silik at Damalasak sa Pikit, North  Cotabato ang lumikas nang lusubin ng mga hininalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front  kamakalawa.

 Isa sa mga residente ng Damalasak na si Rahaina Abdul, 25, ang sinasabing namatay mata­­pos tamaan ng ligaw na bala.

Ang mga evacuee pansamantalang nakahimpil sa Barangay Manaulanan, ang katabing barangay ng Silik, ayon kay Sr. Insp. Elias Dandan, ang hepe ng Pikit PNP.  (Malu Cadelina Manar)

Show comments