Isa patay sa clan war
December 21, 2007 | 12:00am
KIDAPAWAN CITY — Mahigit 200 pamilya mula sa mga barangay ng Silik at Damalasak sa Pikit, North Cotabato ang lumikas nang lusubin ng mga hininalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front kamakalawa.
Isa sa mga residente ng Damalasak na si Rahaina Abdul, 25, ang sinasabing namatay matapos tamaan ng ligaw na bala.
Ang mga evacuee pansamantalang nakahimpil sa Barangay Manaulanan, ang katabing barangay ng Silik, ayon kay Sr. Insp. Elias Dandan, ang hepe ng Pikit PNP. (Malu Cadelina Manar)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest