Nadakip na Egyptian misyonaryo, 'di bomber?
Misyonaryo umano na nagpapalaganap ng relihiyong Islam at hindi terorista ang inaresto ng mga awtoridad kamakalawa na isang Egyptian national na hinihinalang bomb terror expert na natiyempuhan sa raid sa
Ayon kay Moro Islamic Liberation Front Spokesman Eid Kabalu, taliwas umano sa sinasabi ng pulisya at militar na bomb terror expert si Mohammed El-Sayed, lumalabas na isang Islamic missionary ito na nagtuturo sa Mahad Islamic School sa Brgy. Mother Bagua.
Una rito, inihayag ni Army’s 6th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Julieto Ando na nasakote ng pinagsanib na elemento ng Cotabato City Police at AFP-Task Force Tugis si El-Sayed na isang hinihinalang bomb expert kung saan ay kasalukuyan nilang inaalam ang posibleng kaugnayan nito sa Jemaah Islamiyah terrorist. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending