^

Probinsiya

‘Terror alert’ itinaas sa Mindanao

-

Isinailalim sa terror alert ang buong puwersa ng pu­lisya sa rehiyon ng Min­danao kabilang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kaugnay ng banta ng gru­pong kidnap-for-ransom laban sa mga dayuhan ka­bilang ang US troops at bombing.

Ayon kay P/Chief Supt. Joel Goltiao, ARMM police director, nakaalerto na ang kani­yang mga tauhan sa pakiki­pagtu­lungan sa pu­wersa ng militar laban sa banta ng mga ban­didong Abu Sayyaf Group muling maghahasik ng tero­rismo sa katimugang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Goltiao na naka­katanggap ang pulisya ng intelligence reports hinggil sa planong pag-atake ng mga teroristang Abu Sayyaf.

Ang babala ay isiniwalat ni PNP Chief Director Ave­lino Razon Jr., base sa ulat ng Na­tional Intelligence Coordinating Agency (NICA) hinggil sa mataas na banta ng terorismo ngayong Dis­yembre sa mga kritikal na lugar sa rehiyon ng Minda­nao.

Naniniwala naman si Gol­tiao na hindi maka­ pag­sasa­ga­wa ng pag-atake ang mga ban­didong Abu Sayyaf kung walang da­yuhang or­ga­nisas­yon ang magpo­pondo sa mga ito.

Sa kasalukuyan ay patu­loy rin ang crackdown operation ng tropa ng militar laban sa dalawang Jemaah Isla­mi­yah (JI) terrorist na sina Dul­matin at Omar Patek  na kina­kanlong ng Abu Sayyaf sa Sulu.

Nabatid na si Dulmatin, ay may patong na $10-milyon at si Patek naman ay $1-milyon na kapwa mastermind sa Bali bombing sa Indonesia na ku­mitil ng 200-katao habang ma­rami pa ang nasugatan noong Oktubre 12, 2002. Joy Cantos

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AUTONOMOUS REGION

CHIEF DIRECTOR AVE

CHIEF SUPT

INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

JEMAAH ISLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with