Ormoc City – Isang tricycle driver (habal-habal) ang pinatay ng kanyang pinsan kamakalawa ng hapon sa Sitio Pikas, Barangay Donghol dahil sa pakikipagrelasyon ng una sa ka-live in ng huli.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Junray O. Laurente, 22, binata at residente ng naturang lugar.
Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Rico L. Singson, 25, isa ring tricycle driver.
Kalalabas lang ni Laurente mula sa kanyang bahay nang atakihin at paslangin siya ni Singson.
Ayon sa pulisya, na unang nahuli ni Singson ang biktima at ang babaeng kinakasama niyang si Claribel Serrano habang nagtatalik ang mga ito sa isang tubuhan noong Oktubre 5. Matagal na umanong nababalitaan ng suspek ang relasyon ng dalawa. Tumakas ang dalawa at nagtago matapos mahuli ng suspek sa akto.