Selosong mister sinunog si misis

BAGUIO CITY –  Isang mister na nagselos sa kan­yang asawa ang sinunog ang kanyang sariling bahay na ikinamatay ng ginang ka­hapon ng madaling-araw sa Barangay Balacbac dito sa siyudad.

Kinilala ni Fire Insp. Jo­vencio Marquez, acting city fire marshall, ng Baguio City Fire Station, ang biktimang si  Chique Dularte, 27, samanta­lang ang suspek ay si Edwin Dularte, 32, isang taxi drayber.

Naganap ang sunog sa pagitan ng alas-4:30 hang­gang alas 5:00 ng umaga.

Lumitaw sa imbestigas­yon, bago maganap ang insi­dente ay nagkaroon ng pag­diriwang sa kaarawan ng isa sa mga anak ng mag-asa­wang Dularte at matapos ay nagkaroon umano ng pag­tatalo ang mag-asawa, ukol sa pagseselos umano ng lalaki.

Ayon kay Marquez, na­bang­git umano ng kanilang anak na si Mark, 6, na nakita nito ang suspek nang uma­gang iyon na may hawak na bote at ang laman nito ay ibi­nuhos sa sahig at saka sinin­dihan.

Sa tulong ng mga kapit­bahay ay nailigtas ang tat­long bata at ang suspek subalit ang biktima na nasa kasarapan ng tulog sa ku­warto ay nadatnan na la­mang ng mga bumbero na sunog na. Masusing inaalam ngayon ng mga arson investigator kung sinadyang sinu­nog ng suspek ang kanilang sariling bahay na nagka­kahalagang P1 milyon.

Show comments