^

Probinsiya

Selosong mister sinunog si misis

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY Isang mister na nagselos sa kan­yang asawa ang sinunog ang kanyang sariling bahay na ikinamatay ng ginang ka­hapon ng madaling-araw sa Barangay Balacbac dito sa siyudad.

Kinilala ni Fire Insp. Jo­vencio Marquez, acting city fire marshall, ng Baguio City Fire Station, ang biktimang si  Chique Dularte, 27, samanta­lang ang suspek ay si Edwin Dularte, 32, isang taxi drayber.

Naganap ang sunog sa pagitan ng alas-4:30 hang­gang alas 5:00 ng umaga.

Lumitaw sa imbestigas­yon, bago maganap ang insi­dente ay nagkaroon ng pag­diriwang sa kaarawan ng isa sa mga anak ng mag-asa­wang Dularte at matapos ay nagkaroon umano ng pag­tatalo ang mag-asawa, ukol sa pagseselos umano ng lalaki.

Ayon kay Marquez, na­bang­git umano ng kanilang anak na si Mark, 6, na nakita nito ang suspek nang uma­gang iyon na may hawak na bote at ang laman nito ay ibi­nuhos sa sahig at saka sinin­dihan.

Sa tulong ng mga kapit­bahay ay nailigtas ang tat­long bata at ang suspek subalit ang biktima na nasa kasarapan ng tulog sa ku­warto ay nadatnan na la­mang ng mga bumbero na sunog na. Masusing inaalam ngayon ng mga arson investigator kung sinadyang sinu­nog ng suspek ang kanilang sariling bahay na nagka­kahalagang P1 milyon.

vuukle comment

AYON

BAGUIO CITY FIRE STATION

BARANGAY BALACBAC

CHIQUE DULARTE

EDWIN DULARTE

FIRE INSP

MARQUEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with