^

Probinsiya

Ex-pulis, 2 pa tiklo sa Laguna abduction

-

CAMP VICENTE Lim, Laguna – Tatlong kala­lakihan kabilang na ang dating pulis ang naaresto makaraang akusahan sa kasong abduction sa bayan ng San Pedro, Laguna ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Jolly Dizon, hepe ng San Pedro PNP, ang mga naarestong suspek na sina PO3 Ed­gardo Marin, dating  miyem­bro ng Lucban police; Engr. Maximo Banaag ng Taya­bas, Quezon at si Enrique Samonte, 37, ng Lucena City.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay pinaniniwalaang sangkot sa pagdukot sa biktimang si Godofredo Salvador Jr., 29, ng Sitio Mali­gaya 1, Barangay San Vi­cente, San Pedro, Laguna.

Sa inisyal na imbestigas­yon, pinasok ng mga suspek ang bahay ni Salvador at isinagawa ang pagdukot sakay ng Isuzu Elf van pa­tungong Cavite.

 “Dinukot ng mga suspek si Salvador para i-salvage matapos pagbintangan ito na nagnakaw ng baterya ng sasakyan na pag-aari ni Samonte,” pahayag ni Col. Dizon sa PSN

Dahil doon, mabilis na nagsagawa ng hot pursuit operation ang San Pedro police sa pangunguna ni P/Senior Inspector Timoteo Arciso hanggang sa masa­gip ang biktima at maaresto naman ang mga suspek mula sa safehouse sa Ba­rangay Nueva, San Pedro, Laguna.

Nahaharap sa kasong abduction, frustrated murder, illegal detention at usurpation  of authority ang tatlong suspek habang nakakulong sa San Pedro police station.

BARANGAY SAN VI

CITY

ENRIQUE SAMONTE

GODOFREDO SALVADOR JR.

ISUZU ELF

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with