Ex-chief ng CSU itinumba
LEGAZPI CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating hepe ng Civil Security Unit ng mga di-kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Nasisi sa Ligao City, Albay kahapon ng tanghali. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Expedito Ribayan, ayon sa pulisya. Napag-alamang papauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo mula sa bayan ng Tabaco nang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan. Sinisilip ng mga imbestigador kung may kinalaman ang dating trabaho ng biktima sa pamamaslang. Ed Casulla
Mag-asawang trader dinedo
Kumpirmadong nasawi ang mag-asawang negosyante habang isa pa ang nasugatan makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng mga biktima sa Barangay Kawah-Kawah sa bayan ng Languyan, Tawi-Tawi, kamakalawa. Sa ulat na isinumite ni P/Chief Supt. Joel Goltiao, ARMM police director sa
P6-M ari-arian naabo
Umaabot sa P 6-milyong ari-arian ang iniulat na tinupok ng apoy sa naganap na malawakang sunog sa bayan ng Miag-ao,
100 motorsiklo kinumpiska
KIDAPAWAN CITY – Aabot sa 100-motorsiklo na pinaniniwalaangt walang papeles at walang mga plaka ang kinumpiska ng Cotabato Provincial Police Office at ng Task Force Cotabato sa isinagawang operasyon sa Kidapawan City kahapon. Ayon kay P/Chief Insp. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP, bahagi ng “Oplan Lambat Bitag” ng Cotabato Provincial Police Office, katuwang ang militar, na kuwestyunin ang mga motorsiklong walang plaka, expired ang mga rehistro, walang official receipt at certificate of registration (OR-CR). Ayon kay Ajero, marami sa mga motorsiklo ang ginagamit sa iba’t ibang uri ng krimen, tulad ng holdup, robbery, celfon snatching, at pagpatay. Ito na ang ikalawang operasyon laban sa mga may-ari ng motorsiklong walang dokumento na nagawa ng PNP nitong Disyembre.Noong nakaraang linggo, tatlong motorista ang nasabat ng Task Force Cotabato dahil sa pag-iingat ng illegal na armas. Malu Cadelina Manar
- Latest
- Trending