^

Probinsiya

P11.5-B patubig sa Bulacan aprub na

-

MALOLOS CITY – Tuloy na ang P11.5-bilyong proyekto na patubig sa Bulacan matapos lagdaan ang memorandum of agreement ng mga opisyal ng local na pamahalaan at ng pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Ang paglagda nina Bulacan Gob. Joselito Mendoza at MWSS Administrator Lorenzo Jamora sa Bulk Water Supply Project (Bulacan Bulk) ay naganap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, may 36-oras matapos pagtibayin ng mayorya ng Sangguniang Panglalawigan sa botong 7-4 noong Lunes ng madaling-araw.

Naging saksi naman sina Manila Water Corporation Inc., (Manila Water president Tony Aquino at Atty. Ria Gomez ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Kabilang sa makikinabang sa nasabing proyekto na may kabuuang 1.46-milyong residente ay ang mga bayan ng Bulakan, Bocaue, Balagtas, Marilao, Obando, Pandi, Guiguinto, Sta. Maria, at ang Malolos at Meycauayan.

Kabilang sa unang bahagi ng proyekto ay ang pag­lalagay ng aqueduct mula sa Norzagaray patungo sa bayan ng Sta. Maria kung saan magtatayo ng paunang water filter plant at ng water reservoir para sa 120 milyong litro ng tubig kada araw at nagkakahalaga ng P5.5-bilyon kung saan matatapos sa 2010.

Nagpahayag naman ng pagtutol ang mga magsasaka sa nasabing proyekto dahil kakapusin sila sa patubig taun-taon. Dino Balabo

ADMINISTRATOR LORENZO JAMORA

BULACAN BULK

BULACAN CONVENTION CENTER

BULACAN GOB

BULK WATER SUPPLY PROJECT

DINO BALABO

JOSELITO MENDOZA

KABILANG

MANILA WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with