Sayyaf inutas

Binaril at napatay ang isang pinaghihi­nalaang miyembro ng  bandidong Abu Sayyaf na wanted sa batas kaugnay ng pagka­ka­sangkot sa serye ng kid­napping nang mati­yem­puhan ng mortal nitong ka­away malapit sa CAFGU detachment sa Brgy. Re­codo, Zam­boanga  City ka­maka­lawa.

Kinilala ni Zam­boanga City Police Chief Supt. Ma­nuel Barcena ang biktima na si Arkan Musa alyas Tong Tong.

Bandang  alas – 11:45  ng umaga ng maganap ang insidente sa nasa­bing lugar matapos uma­nong matiyempuhan ng suspek na kinilalang si Nadjul Alih si Tong Tong.

Agad na pinagbabaril ng salarin si Tong Tong na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, kamay at ka­tawan na naging sanhi ng agaran nitong kama­tayan.

Naghihinala ang mga awtoridad na si Musa ay isa sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na pinagha­hanap ng batas kaugnay ng pagkakasangkot sa serye ng kidnapping par­tikular na sa Western Min­danao. (Joy Cantos)

Show comments