Ginang nahulog sa escalator ng mall, todas

Patay ang isang hindi pa nakilalang babae makaraang ak­sidente itong  mahulog  sa isang escalator sa ikaapat na palapag ng isang shopping mall sa Davao  City kamaka­la­wa ng hapon.

Sa report ni Sr. Inspector Ranulfo Caba­ñog, hepe ng Sta. Ana Police, ang nasawing babae ay tinatayang nasa pagitan ng 45-50 anyos, may tattoo sa kanang balikat at ka­may. Kasalu­kuyan pang ina­alam ang pag­kaka­kilanlan ng nasa­bing biktima.

Batay sa imbesti­gas­yon, naganap ang insi­dente bandang alas -4:30 ng hapon sa ika­apat na palapag ng Gai­sano mall sa nasa­bing lung­sod.

Nabatid na nalaglag sa balikat ng biktima ang kaniyang bag ha­bang nakasakay ito sa elevator kung saan tinangka nitong abutin ang natu­rang gamit na naging mitsa ng sa­kuna.

Bunga nito ay na­wa­lan ng balanse ang bik­tima na tuluyang na­lag­lag mula sa ika­apat na palapag sa natu­rang escalator hang­­gang bu­mag­sak ito sa ground floor.

Nabagok ang ulo ng biktima sa matigas na semento habang nag­kabalibali rin ang ka­ta­wan nito na siya niyang aga­rang ikina­sawi.

Patuloy na isina­saila­lim ng pulisya sa masu­sing imbesti­gas­yon ang naturang kaso.

Show comments