17 NPA rebel, sympathizer sumuko

Umiskor ang anti-insurgency campaign ng pama­halaan makaraang magsi­suko sa tropa ng mga sundalo ang 17 miyembro at  sympathizers ng  rebel­deng New People’s Army sa mag­kakahiwalay na insidente sa Sorsogon at Leyte, ayon sa opisyal  ka­hapon.

Ayon kay Army Spokes­man Lt.  Col. Er­nesto Torres Jr., bandang alas-10 ng umaga kama­kalawa nang maunang magsisuko ang may 14 sympathizers ng mga rebeldeng komunista sa Barangay Banate, San Isidro, Leyte.

Ang mga ito ay su­muko sa Bravo Company ng Army’s 19th Infantry Battalion, 8th Infantry Division bitbit ang kanilang mga armas.

Isinurender rin ng mga ito ang kanilang mga ar­ mas na kinabibilangan ng 11 cali­ber .38 revolvers, da­la­wang caliber. 22 revolvers at isang homemade shotgun.

Bandang alas-3 na­man ng hapon kamaka­lawa ng sumuko ang tatlong miyem­bro ng Front Committee Jaylo ng New People’s Army sa 9th Infantry Battalion Special Operations Team na pinamumunuan ni 2nd Lt. Alexander Sazon sa Brgy. Calpi, Pilar, Sorsogon.

Kasalukuyan nang isi­nasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong re­belde habang itinurnover naman sa mga opisyal ng ba­rangay ang sumukong  mga  sympathizer ng communist movement. (Joy Cantos)

Show comments