^

Probinsiya

Ex-ARMM vice gov patay sa car crash

-

KIDAPAWAN CITY — Halos  mawasak ang ulo ng dating bise-gobernador ng Autonomous Region in Mus­lim Mindanao (ARMM) ma­kara­ang lumipad at mag­pa­gulung-gulong ang sasak­yan nito sa may highway ng Iligan-Caga­yan de Oro sa bayan ng Gitagum, Misamis Oriental, kahapon umaga. 

Ayon sa ulat, mabilis ang tinatahak ng luxury car kung saan sakay  si ex-ARMM Vice-Governor Mahid Mu­tilan, pa­tungo sa paliparan sa Caga­yan de Oro City para sa biya­heng Maynila nang na­walan ng preno ang sa­sakyan.

Malubha naman ang kala­gayan ng driver na  tinukoy lamang sa pangalang Kasan at isang escort na kasama ng maganap ang insidente.

Si Mutilan na naging re­gional secretary ng DepEd-ARMM at tatlong termino bilang gobernador ng Lanao de Sur ay nagtamo ng malalim na sugat sa ulo at paa at binawian ng buhay habang ginagamot sa Cagayan de Oro Medical Center.

Kinumpirma ni Atty. Pa­ isalin Tago, speaker ng Re­gional Le­gislative Assembly ng ARMM, ang trahedyang kinasang­kutan ni Mutilan. 

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, si Mutilan na naging dating opisyal ay co-convenor ng Bishops -Ulama Conference at pinuno ng Ulama League of the Philip­pines bago pumalaot sa pag­su­­sulong ng kapayapaan sa Mindanao Region.

Si Dureza rin ang personal na tumulong upang kunin sa hospital at ibalik ang mga labi ni Mutilan sa Lanao del Sur para mailibing sa loob ng 24 oras alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim. (Malu Manar at Joy cantos)

AUTONOMOUS REGION

AYON

LANAO

MALU MANAR

MINDANAO REGION

MUTILAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with