Mister ibinaon sa putik

CAVITE – Isa na namang kaso ng summary execution ang naitala ng pulisya matapos na madiskure ang isang ‘di-kilalang lalaki na nakabaon sa putikang sakop ng Barangay Pangil sa bayan ng Amadeo, Cavite kamakalawa.

Kasalukuyang bineberipika ang pagki­kilanlan ng biktimang nasa edad 30 hanggang 35-anyos, may taas na 5’7 at nakasuot ng puting T-shirt na may tattoo sa katawan na “scorpion dragon at spider.”

May palatandaang pinahirapan muna ang biktimang binalutan ng masking tape ang buong ulo saka tinadtad ng bala ng baril. Ayon sa pulisya, may posibilidad na pinatay ang biktima sa ibang bayan bago ibinaon upang iligaw ang imbestigasyon. (Cristina Timbang)

Show comments