Missing jet ng PAF natagpuan na

CAMP CRAME – Natagpuan sa karagatang sakop ng Palawan ang nawawalang jet ng Philippine Air Force (PAF)  matapos itong  bumagsak habang nagsasagawa ng security mission sa Spratly Islands sa kasagsagan ng bagyong “Lando.”

Ayon kay PAF Spokesman Lt.Col Efipanio “Jun Panzo”  nakatanggap sila ng ulat sa Philippine Coast Guard hinggil sa pagkakatagpo sa nawa­walang S-211 combat jet. Gayon pa man, palaisipan naman kung nasaan ang dalawang piloto na sina Captains Gavino Mercado  Jr. at Bonifacio Soriano na wa­lang bakas na iniwan sa lugar ng crash site.

Ang na­sabing jet ay kabilang sa dalawang eroplanong nag- security mission noong Lunes (Nob. 26) at hindi na nakabalik. Kaugnay nito, patuloy naman ang isina­sagawang paggalugad ng search teams ng  PAF at Philippine Navy  sa tulong ng PCG sa bahagi ng kara­gatan ng Palawan upang alamin ang kinasapitan ng dalawang piloto. (Joy Cantos)

Show comments