Pulis-kotong dinakma ng NBI

CAVITE – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang police station commander na mali­wa­nag na lumabag sa pro­gramang “Mamang  Pulis” ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. dahil sa pango­ngotong sa mga bus operator sa isi­nagawang entrapment operation sa Barangay Mang­gahan, General Trias, Cavite kahapon ng umaga.

Pormal naman kinasu­han nina Tagaytay NBI chief Atty. Abdulgani A. Benito at NBI investigator Jocel Ban­get, ang suspek na si SPO4 Roberto Lan­zaga matapos madakma sa isang videoke bar na kan­yang pag-aari sa nabanggit na barangay.

Sa impormasyong naka­lap ng PSN, noong Pebrero 2007 ay nagsimulang tara­han (kotong) ng P30,000 kada buwan ni SPO4 Lan­zaga ang mga operator ng may 30 pampasaherong bus sa may rutang Mang­gahan, Indang, Trece pa­tungong Baclaran.

Dahil sa karagdagang P20,000 na ipinatong ng sus­pek sa naunang mala­king halaga na may kabu­uang P50,000 ay umangal at nag­reklamo na ang mga operator ng pampasa­he­rong bus subalit pinagban­taan sila na may mang­yayaring ‘di-inaasahan ka­pag hindi  naibi­gay ang na­sabing ha­laga.

Sa opisina ng  NBI sa Ta­gaytay City, idinulog ang reklamo ng mga operator hanggang sa isagawa ang entrapment operation ma­ta­pos na maaktuhang ina­abot ng isang operator ng bus ang malaking halaga kay SPO4 Lanzaga sa loob ng videoke bar sa nabang­git na ba­rangay.

Nabatid pa na habang sinusulat ang balitang ito, nagpaabot ng karagdagang impormasyon ang source ng PSN na tinatangkang are­g­luhin at arburin ng isang opis­yal ng pulis-Cavite ang kaso ng suspek na kasalu­kuyang nakakulong subalit tinanggihan ito ng mga tauhan ng NBI. (Mhar Basco)

Show comments