Tsinoy trader pinabulagta

SAN FERNANDO, Pampanga  – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang 51-anyos na Tsinoy trader habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang kalalakihang naka-motorsiklo sa Barangay Dolores, San Fernando City, Pampanga noong Sabado ng umaga.

Sa Makabali Clinic at Memorial  Hospital namatay si Jhonny Ngo, may-ari ng Harvest Gold Hardware sa Lazatin Blvd., ng nabanggit na barangay. Kinilala naman ang mga sugatang sina Edward Dolosa, 30, ng Barangay Del Pilar at Jay Pechalin, 38.

Ayon kay P/Supt. Audie Atienza, hepe ng San Fernando PNP, pinasok ng dalawang armadong kala­la­kihan ang opisina ni Ngo saka ito pinagbabaril at isinunod ang dalawa. (Ric Sapnu)

Show comments