^

Probinsiya

P10-M ransom sa 2 kinidnap

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY –  Aabot sa P10 milyong ransom ang  hinihinging kapalit ng kalayaan ng dalawa sa anim na dinukot ng KFR noong Sabado sa hangga­nan ng Tulunan, North Cotabato at Datu Paglas, Maguindanao.

Ayon kay Col. Danilo Garcia, commander ng 601st Brigade ng Philippine Army sa Tacurong City, Sultan Kudarat, ang ransom note ni Kumander Mayang­kang Saguile, li­ der ng kidnap-for-ransom gang ay ipinadala sa pamamagitan ng mobile phone ng mga kaanak ng mga biktima.

Kasunod nito, bandang alas-3:15 ng madaling-araw kahapon, pinalaya na sa bahagi ng Sultan Ku­darat, ang apat na bikti­mang sina Nelson Fruto, distributor ng Realize Personal Collections; anak nitong si Nezelene at mga kawani na sina Elmarie Jones Gocong at Melvin Camacho, pawang mga residente ng Davao City.

Nananatili namang ha­wak ng grupo ni Saguile sina Marvin Roy Fruto, anak ni Nelson Fruto; at Anna Marie Supe ng Apo Sandawa Homes Phase 1 sa Kidapawan City.

Ayon kay Col. Garcia, posibleng sa Liguasan marsh sa Maguindanao dinala ni Saguile ang da­lawang biktima.

Sa tala ng pulisya, naga­nap ang insidente noong Sabado ng gabi sa hangga­nan ng Tulunan, North Co­tabato at Datu Paglas, Ma­guindanao habang pa­uwi na ang mga biktima sakay ng kulay pulang Strada pick-up na may plakang LFY–105 mula sa field demonstration ng kanilang produkto sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Samantala, mariing na­man itinanggi ni Mayor Datu Muhammad Paglas, ng nabanggit na bayan na mga pulis niya ang  nasa likod ng pinakabagong kaso ng kidnapping.

vuukle comment

ANNA MARIE SUPE

APO SANDAWA HOMES PHASE

AYON

DATU PAGLAS

NELSON FRUTO

SAGUILE

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with