7 taong nagtago tiklo

BULACAN – Nagwakas ang pitong taong pagtatago ng isang 40-anyos na lalaki na pangunahing pumaslang sa isang negosyante makaraang masakote ng mga awtoridad sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Cesario “Teteng” Castillo ng Brgy, Malapat na Parang. Pinaghahanap pa rin ang isa pang suspek na si Ferdie Sombillo.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Crisanto Concepcion ng Malolos Regional Trial Court Branch 12, dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation Detection Team ng Bulacan, 56th Infantry Battalion at ng Military Intelligence Group ang suspek na sangkot sa pagpatay kay Rene Imperial ng Brgy. Sibul noong Agosto 10, 2001. (Dino Balabo)

Show comments