^

Probinsiya

Shellfish ban sa 7 bayan sa Visayas

-

CEBU – Pitong bayan sa Visayas ang iniulat na may red tide kaya pinagbabawal ang mga shellfish, ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Sa ipinalabas na ulat  ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pangunguna ni Director General Malcolm Sarmiento Jr., kabilang sa mga lugar na tinamaan ng red tide ay ang mga coastal ng Milagros at Mandaon sa Masbate; Juag Lagoon sa bayan ng Matnog; Sorsogon Bay sa Sorsogon; Bislig Bay sa Bislig City, Surigao del Sur; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Carigara Bay sa Leyte. Binalaan ng BFAR ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na pansamantalang iwasang magbenta, mag-harvest ng shellfish para hindi malagay sa panganib ang kalusugan ng taumbayan. Hindi naman kasali ang Cebu sa shellfish ban subalit pinayuhan ang mga residente na iwasan ang mga lamandagat mula sa mga nabanggit na lugar, ayon pa sa ulat ng BFAR. Samantala, nilinaw naman ni Sarmiento na ang mga isdang nakuha sa nasabing mga lugar ay ligtas kainin pero kina­ka­ilangang matiyak na sariwa at linisin bago lutuin. Kabilang naman sa lugar na idineklarang red tide free ay ang coastal waters sa Cebu,Talisay City, Bacolod City, Victorias City, Pontevedra, Valladolid, San Enrique at Polopandan sa Negros Occidental; coastal waters ng Siaton sa Negros Oriental; Cancabato Bay sa Tacloban City; Leyte, Ormoc at San Pedro Bays sa Leyte; Biliran Waters sa Biliran Province; Maqueda, Villareal at Irong-irong Bays sa Samar. Jasmin R. Uy/BRP

BACOLOD CITY

BILIRAN PROVINCE

BILIRAN WATERS

BISLIG BAY

BISLIG CITY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CANCABATO BAY

LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with