^

Probinsiya

Aircraft technician dinedo sa hotel

-

CEBU – Anggulong pagnanakaw ang isa sa motibo kaya pinaslang ang isang 56-anyos na aircraft technician ng foreign airline company na nakabase sa Trinidad at Tobago matapos na matagpuan ang katawan ng biktima sa loob ng Salinas Drive Hotel sa Barangay Lahug, Cebu kamakalawa ng umaga. Kinilala ng mga imbestigador ng pulisya ang biktima na si Roberto Alemania ng Casili Subdivision sa Mandaue City. Ayon kay PO1 Edario Manatad, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang anak na lalaki matapos na maghinala dahil hindi siya pinagbuksan ng pintuan ng hotel. Huling namataang buhay ang biktima kamakalawa ng gabi ma­tapos magpamasahe at lumabas ng nasabing hotel na kasa­lukuyang bineberipika ng pulisya. Wala naman palatandaang pinuwersang wasakin ang pin­tuan ng kuwarto kaya posibleng kakilala ng biktima ang suspek. Lumilitaw sa pagsusuri ng pulisya na nagtamo ng limang saksak ng patalim sa dibdib ang biktima at ilang sugat sa mukha at mata. Ayon kay PO1 Manalad, may palatandaang nakipaglaban pa bago mapaslang ang biktima dahil nagkalat ang gamit sa loob ng hotel at walang pera sa pitaka nito kaya posibleng pagnanakaw ang motibo. Wala naman armas na natagpuan sa crime scene maliban sa relo, celfone at pitaka ng biktima.  Edwin Ian Melecio/RAE

AYON

BARANGAY LAHUG

BIKTIMA

CASILI SUBDIVISION

DRIVE HOTEL

EDARIO MANATAD

EDWIN IAN MELECIO

MANDAUE CITY

ROBERTO ALEMANIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with