2 pang bangkay narekober  sa Taal Lake

BATANGAS – Matapos ang limang araw na search and rescue operation, da­lawa pang bangkay ng ba­bae ang natag­puan sa bay­bayin ng Taal Lake sa bayan ng Tali­say, Batangas kaha­pon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, Ba­tangas police director, ang dalawa na  sina Vilma Tizon ng Malvar, Batangas at Arlyn Tolentino, 35, ng Brgy. Tra­piche, Tanauan City, Ba­tangas. Natagpuan sina Tizon at To­len­tino na naka­lutang sa baybayin ng Sitio Pira-pirasong Pulo bandang alas-11 ng umaga.  Sa talaan ng pulisya, ang da­lawa ay ang pang-apat at ika­lima na namatay kabilang na ang tatlo pang kababaihan na sina Josie Rabor, Meann Her­nandez ng Barangay Ambu­long, Tanauan City at si Helen Hernandez ng Mal­var, Ba­tangas.  Matatan­daang nauwi sa trahedya ang pakikipa­miyesta ng mga biktimang nalunod matapos tumaob ang kanilang sina­sakyang banka sa lawa ng Taal ha­bang nasa kasag­sagan ng bagyong “Lando” noong Martes ng gabi.  Sa­kay ng dalawang bangka ang 39-katao na papauwi na sa Barangay Sta. Maria sa ba­yan ng Talisay matapos du­malo sa piyesta ng Ba­rangay Bignay nang ma­ga­nap ang insidente ban­dang alas-7 ng gabi. Sa panayam ng PSN kay Eddie Panghu­lan, Talisay municipal administrator, round-the-clock pa rin ang search and rescue operation ng Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC) para hanapin pa ang apat pang nawawala. Arnell Ozaeta

Show comments