^

Probinsiya

79-anyos na lolo dakma sa murder

-

KIDAPAWAN CITY – Laking gulat ng isang 79-anyos na lolo matapos siyang dakpin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Eden sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga. Bitbit ng mga CIDG operatives, sa pangunguna nina PO2 Neil Gaspar Lacia at SPO2 Froilan Platon, ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Rogelio Naresma ng Kabacan Regional Trial Court Branch 22 ay inaresto si Federico Pascua dahil sa kasong murder na naganap may 22-taon na ang nakalipas. Itinanggi naman ni Pascua na sangkot siya sa krimen at itinuturo ang isang Victoriano Almarenes na kasalukuyang may sakit na kanser at sumasailalim sa chemotheraphy. Ayon sa ulat, wala naman ang pangalan ni Almarenes sa warrant of arrest kaya dinala na lang ang lolo sa korte upang magpasya ang hukom na ikukulong o palalayain. Malu Manar Kabesa dinedo sa sabungan

KIDAPAWAN CITY – May mga palatandaang politika ang isa sa motibo kaya pinaslang ang isang barangay chairman sa labas ng sabungan sa Tacurong City noong Biyernes. Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Chairman Akbal Kabuntalan ng Barangay Tambak sa Lambayong, Sultan Kudarat may ilang kilometro ang layo mula sa Kidapawan City. Sa ulat ni P/Supt. Teng Tocao, police provincial director, si Kabuntalan na may kasamang isa pang chairman ng Barangay Poblacion ay tinambangan ng isa sa dalawang lalaki habang papasok ng sabungan. Agad na tumakas ang mga suspek, sakay ng mo­torsiklo na walang plaka. Ito na ang ikalawang opisyal ng ba­rangay sa Sultan Kudarat na itinumba bago pa man sila nakaupo sa puwesto.  Malu Manar P3.5 M droga sinunog

CAMP CRAME – Umaabot sa P3.5 milyong pina­tuyong dahon ng marijuana at shabu na nakumpiska sa magkaka­hi­wa­lay na operasyon ang sinunog sa ginanap na ceremonial burning sa Bukidnon, ayon sa ulat kahapon. Sa pangunguna ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri Jr. at mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dakong alas-10 ng umaga ay sinimulang sunugin ang mga nakumpiskang marijuana at shabu na sinaksihan ng iba’t ibang grupo mula sa simba­han at non-goverment organization. Sa ulat ng  PDEA, ang Bu­kid­non ay kabilang sa mga lugar sa Northern Mindanao na na­ diskubreng may pinakamaraming tanim na marijuana at nag­sisilbing drop-off point ng shabu na ibinabagsak naman sa Davao area. Kaugnay nito, patuloy naman ang anti-drug operation sa lalawigan sa pakikipagtulungan ng komunidad. (Joy Cantos )

vuukle comment

BARANGAY EDEN

BARANGAY POBLACION

BARANGAY TAMBAK

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with