Kawani ng Smart Telecom nilikida
BATANGAS CITY – Isang kawani ng Smart Telecom ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo sa naganap na panibagong karahasan sa harapan ng University of Batangas sa Hilltop road, Barangay Kumintang Ibaba sa Batangas City, Batangas kahapon ng umaga. Siyam na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Nick Caaway, 41, ng Barangay Tabangao, Batangas City at malapit na kamag-anak ni ex-Barangay Chairman Joel Caaway ng Bagong Lipunan Tabangao.
Sa inisyal na imbestigasyong isinumite kay P/Supt Christopher Tambungan, Batangas City police chief, ang biktima na maghahatid sana ng kanyang tatlong anak sa nasabing unibersidad nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek bandang alas-6:30 ng umaga
Nakaligtas naman ang kanyang mga anak at asawang si Marciana Añonuevo Caaway habang nakasakay sa pag-aaring Ford Ranger pick-up na may plakang ZEN-516.
Ilang oras matapos ang krimen, natunton ng mga operatiba sa pangunguna ni P/Senior Insp. Mario Alvarez, ang kulay itim na Honda XRM (5177 DA) na ginamit ng gunmen sa Sitio Ayala, Barangay Poblacion, San Pascual, Batangas.
Naaresto naman ang isa sa suspek na si Marcelito Velena, 42, ng Barangay Hidalgo, Ta nauan City, Batangas. Sa tactical interrogation, inamin ni Velena na siya ang bumaril kay Caaway matapos siyang pa ngakuang babayaran ng P20,000 at isang baril ng kanyang kasabwat na si Mario Marasigan.
Sa panayam ng PSN kay P/Supt. Tambungan, pulitika ang posibleng dahilan ng pagkakapatay kay Caaway.
- Latest
- Trending