^

Probinsiya

Mag-ina, biyenan piniko

-

CAVITE – Tinutugis  na ng mga awtoridad ang isang 45-anyos na ama matapos paslangin ang kanyang buntis na misis, biyenang babae at isang anak habang nasa loob ng sariling bahay sa Barangay Biga, Tanza, Cavite noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Randolf Tuano, Tanza police chief, ang suspek na si Cecilio Mangalino, ice cream vendor matapos pikuhin at napatay nito ang asawang si Prulinda, 37; biyenang si Luz Madriaga, 50; at ang kanyang anak na si Carolina, 8.

Samantala, nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa pang anak na ba­bae na sina Cessilyn, 12; at Crizamae, 3, na ka­salu­kuyang ginagamot sa General Emilio Aguinaldo Hospital sa Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nag­talo ang mag-asawang Cecilio at Prulinda sa hindi nabatid na dahilan bago maganap ang brutal na krimen.

Sa salaysay ng mga kapitbahay, matapos ang matinding sigawan ng mag-asawa ay sandaling umalis si Cecilio subalit pagbalik nito ay may dala-dala na itong piko pag­pasok ng kanilang taha­nan.

Ilang saglit pa, narinig na lang ng mga kapitbahay ang sigawan ng mga biktima at ang papalabas na suspek na may bahid ng dugo sa kanyang ka­ tawan.

May teorya ang pulisya na naburyong ang suspek dahil sa kalasingan kaya nagawang patayin ang sa­riling asawa’t anak.

vuukle comment

BARANGAY BIGA

CAVITE

CECILIO

CECILIO MANGALINO

GENERAL EMILIO AGUINALDO HOSPITAL

LUZ MADRIAGA

SHY

TANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with