^

Probinsiya

Kawani ng Tagbilaran RTC sinibak ng SC

-

CEBU – Sinibak na ng Su­preme Court sa serbisyo ang isang babaeng kawani ng  Tagbilaran City Regional Trial Court dahil sa pagna­na­kaw ng P1,223 cheke sa kapwa nito kasamahan sa tra­baho saka ipinambili ng pagkain para sa kanyang pamilya.

Bukod sa pagkakasibak sa tungkulin ay ipinag-utos din ni Chief Justice Reynato Puno, na walang matatang­gap na retirement benefits si Carina Divinagracia Lagura.

Nagdesisyon ang Mataas na Hukuman sa kaso kahit hindi napakinggan ang panig ng Lagura dahil tumatanggi itong magsumite ng counter-affidavit kahit ilang araw na pi­nagsusumite ng Office of the Court Administrator.

 “Failure to answer the charges was deemed as an admission of guilt to the charges,” pahayag ng Supreme Court.

 “It is an admission by silence which may be given in evidence against her pursuant to Section 32 of Rule 130 of the Revised Rules of Court,” dagdag pa sa desis­yon ng Supreme Court.

Sa record ng Tagbilaran City Prosecutors’ Office, si La­gura ay nag-offer na mag­bibi­ tiw sa serbisyo kapag iniurong ang kasong kriminal laban sa kanya ni Lydia Faelden

Sa panig ni Puno, sinabi nito na ang lahat ng kawani ng judiciary ay kina­kaila­ngang maging modelo sa pagiging may integridad, morality at honesty.

 “Like any public servant, Lagura must also show the highest sense of trustworthiness and rectitude in all her dealings, personal or public, to preserve the the court’s good name and standing as a true temple of justice, “ pahayag pa ni Puno. Rene U. Borromeo/RAE

CARINA DIVINAGRACIA LAGURA

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

COURT

LAGURA

LYDIA FAELDEN

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with