9-anyos na babae ni-rape slay
BACOLOD CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 9-anyos na babae na may ilang araw nang nawawala makaraang matagpuan noong Biyernes na naagnas na ang katawan nito sa masukal na taniman ng tubo sa Purok Tagong Paraiso, Barangay Banago sa Bacolod City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roselyn Elumba, grade 3, na pinaniniwalaang hinalay muna bago sinaksak sa dibidb. Napag-alamang nangangalingasaw na ang bangkay ng biktima nang madiskubre ng ilang residente sa naturang lugar na may 20 metro ang layo sa highway, ayon sa tala ng pulisya.
Ayon kay PO1 Donnie Garcia, lumilitaw na ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya na ang biktima ay nawawala simula pa noong Lunes. Napag-alamang huling namataang buhay ang biktima na kasama ng isang Gerry Douglas Pas tordo na nagpakilalang pinsan ng ama ng bata. (Toks Lopez/Danilo Garcia)
- Latest
- Trending